Ces Oreña-Drilon na-rape nga ba ng Abu Sayyaf?

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa ang isyu kung na-rape nga ba ng Abu Sayyaf si Ces Oreña-Drilon noong siya ay dukutin ng mga terorista.

Kaya naman ang kapirasong intrigang ito ay mananatiling palaisipan o misteryo habang buhay si Ces.

Ayon nga sa direktor na si Sigfreid Barros-Sanchez, ang daming nagtatanong sa kanya kung totoong ginahasa ang TV newscaster. “Lalo na nang mabalitaan nilang gagawa ako ng pelikula tungkol sa abduction ng isang lady journalist. Tanong sila nang tanong sa akin kung totoo ba na na-rape si Ma’am Ces. Ako naman, walang maisagot. Kasi, wala naman kaming napag-usapan na gano’ng detalye,” pahayag ni Sigfreid.

“Tsardyer” ang nakahandang obra ni Barros-Sanchez na opisyal na lahok sa 2010 Cinema One Originals Film Festival tungkol sa isang batang nagngangalang Shahib na utusan ng mga Abu Sayyaf sa pagtsa-charge ng cellphone sa patag para dalhin sa kuta ng mga rebelde sa bundok.

Pinangungunahan ito ng mahusay na paslit na si Martin de los Santos na nakilala sa pelikulang “Mammoth” at sa dulang “Ang Post Office” ng Philippine Educational Theater Association o PETA.

***

Totoo, inaamin ni Sigfreid, na ininterbyu niya si Oreña-Drilon pero maraming maseselang bahagi ng pagtatapat ng broadcaster na hindi na kailangang isama pa sa pelikula.

“There were sensitive issues in the interview but we respect Ma’am Ces about them. Ang talagang nakasama lang ay ‘yong nasaksihan niya na isang bata ang nagtsa-charge ng cellphone down the mountains para sa mga Abu Sayyaf. At ‘yong pinugutan ng ulo ang kasama ni Ma’am Ces,” pahayag ni Sanchez.

Aminado ang direktor na halaw sa buhay ni Drilon ang pelikula pero hindi ito tungkol sa ABS-CBN broadcaster.

Kahit nga ang gumaganap na newshen na si Dimples Romana ay hindi Ces Oreña-Drilon ang pangalan kundi Leslie Pinera.

“Hindi po based on Ms. Drilon’s life ang pelikula namin. Mas bida rito ang bata,” sabi ni Sigfreid.

“Sa pelikula, may gusto akong ilagay na maselang paksa kay Ma’am Ces pero ang nagawa ko lang, parang suggestive na may attempt sa kanya ng rape,” pagtatapat ni Barros-Sanchez.

***

Kasama ni Ian de Leon ang kanyang bagong kasintahan sa pagvi-videoke at panonood nila nina Zeny Marcelo-Poe, ang balo ni Conrad Poe, sa Sitcom sa Las Piñas City kamakailan.

Talagang masayang-masaya si Ian ngayon sa piling ng kayang syota. Gusto rin talagang humagalpak sa tawa ni de Leon kaya sumama siya kina Zeny at Liz Alindogan sa panonood ng stand-up comedy.

Ayon kay Marcelo-Poe, matangkad ang bagong katipan ni Ian na taga-Molino, Cavite.

Naisama na rin ni Zeny si de Leon sa lamay ng ama ng isa sa mga orihinal na miyembro ng Masculados na si Bok Inciong.

Magkabarkada rin sina Bok at Ian noong kasagsagan ng kasikatan ng Masculados.

***

May Mystica Charity Foundation na si Mystica at ang unang proyekto ng organisasyon ay networking ng pagbebenta ng mahogany na itatanim sa South Africa.

Ito ang sosyo-sibikong gawain ni Tikay mula nang siya ay hindi natin nasilayan sa matagal-tagal na ring panahon.

Dahil environmental cause ang kanyang ipinaglalaban ngayon, nais ng mang-aawit na masakop ang buong Southeast Asia.

Sa Biyernes naman ay nasa Singapore na siya para magtanghal.

Mag-i-split din siya sa kanyang, isang bagay na hindi niya makakalimutang gawin. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply