Chainsaw massacre at Maguindanao massacre

NANLALAMIG ako habang binabasa ko ang ulat ng Human Rights Watch na pinamagatang “They Own the People.”

Idinetalye rito, mga Bro, ang mga krimen ng mga makapangyarihang Ampatuan sa Maguindanao.

Kung maalaala ninyo, ang mga makapangyarihang Ampatuan ang suspek sa Maguindanao massacre na ikinasawi ng 57 katao, kabilang na ang nasa 32 mamamahayag.

Ayon sa ulat, bago pa naganap ang Maguindanao massacre, marami na ang pinagpapatay ng mga nakakulong at nakademanda nang Ampatuan.

Dumarami pa rin ang mga pinapatay gaya ng mga lumantad na naging saksi para sa Maguindanao massacre.

Alam ba ninyo ang isa sa mga nakapanlalamig na bahagi ng ulat?

Para sa akin, ang pagmasaker gamit ang chainsaw. Kung papatayin ka sa pamamagitan ng paglagare o pag-chainsaw sa iyong buong katawan, ano ang mararamdaman mo? Tiyak namang hindi mo mailalarawan ang sakit ng iyong kamatayan.

Paano mo mailalarawan ang sakit mula sa iyong mga laman, ugat at buto na ginugutay ng chainsaw hanggang sa makuha ka na ni Lord o ni Allah?

Ayon sa isang saksi na nainterview ng HRW, pito ang ni-chainsaw ng mga Ampatuan sa isang gabi sa iisang lugar sa Shariff Aguak na sentro ng kapangyarihan ng mga Ampatuan.

May iba pang magkakapatid na tsinaptsap sa pamamagitan ng chainsaw pa rin.

Ginawa ang nakapaninindig-balahibong pamamaslang makaraang may bumomba sa palengke ng Datu Piang at ikinamatay ng isang anak ni Andal Ampatuan Sr., si Datu Piang Mayor Saudi Ampatuan noong Disyembre 2, 2002.

Ganti umano para kay Saudi Ampatuan ang lahat ng mga pamamaslang kahit na may paniniwalang posibleng gawa umano ng mga militar ang pambobomba. Ingunuso naman ng ilan ang Moro Islamic Liberation Front.

oOo

Ngayon ay ginawa nang dalawang beses sa loob ng isang linggo ang pag-uusig sa mga Ampatuan kaugnay ng Maguindanao massacre. Ito’y para mabilis ang pag-uusig at mapadali ang paggagawad ng katarungan.

Naiisip natin, paano naman kaya mabibigyan ng katarungan ang iba pang mga biktima na inilantad ng HRW?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply