Charlene Gonzales at Toni Gonzaga, pinag-aaway

BAKIT pinag-aaway sina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga?

Wala namang dahilan bagamat ikinukumpara na mas magaling na host si Toni kupara kay Charlene.

“Naku di mang-aaway fans ko! Saka I think wala namang reason kung bakit sila magagalit kay Ate Charlene kasi ang bait-bait ni Ate Charlene. I’m sure di nila magagawa yun,” bulalas ni Toni sa isang interyu.

Nag-i-enjoy naman daw sila sa ‘The Buzz’ na magkakatrabaho kasama sina Kuya Boy Abunda at KC Concepcion. “Sobra kaming nag-eenjoy and it’s nice that I was given the opportunity to work with a genuinely sincere and kind people in the industry. At habang tumatagal, mas lumalalim ang friendship namin, kaming apat,” deklara pa niya.

Speaking of Toni, sa tinatamasa niyang popularidad ay may panahon pa rin siyang tumulong sa pamamagitan ng kanyang talent. Guest siya sa November 27 sa Zirkoh, Timog  kasama si Piolo Pascual para sa ‘Happy Breast Day’ ng  Kasuso Foundation ( Phillippine Foundation for Breast Care, Inc.) na  sumusuporta sa mga breast cancer patient.

Bongga!

-0o0-

Kahit si Sam Pinto ay nagtataka kung saan nanggagaling ang tsismis tungkol sa kanila ni Dingdong Dantes dahil hindi naman daw sila nag-uusap.

“I don’t have any idea po where it came from because we don’t really talk, we don’t text, I don’t know his number, as in when I see him, I just say hi,”  reaksyon ni Sam nang makatsikahan namin sa presscon na ipinatawag ng VAA (Viva Artists Agency).

Paano kung pagselosan siya ni Marian Rivera at ikulong sa banyo?

“ I hope Marian doesn’t stoop that low again,” diretso niyang sagot.

“Hindi naman niya kailangang gawin ’yon if I’m not doing anything naman,” aniya.

Lalaban ba siya kung tatarayan siya ni Marian?

“Hindi, I won’t stoop that low, really. I wasn’t raised up to fight,” sambit pa niya.

Si Sam ay mina-manage ng VAA at ni  Claire dela Fuente. Mula sa ABS-CBN ay inilipat siya ng managers niya sa GMA-7 at aniya, masaya siya sa kanyang bagong bahay dahil marami siyang projects.

“Mas mabuti na ’yung may eyebags ka (dahil sa rami ng work) kesa wala kang eyebags,” tugon niya. Leading lady siya ni Senator Bong  sa ‘Si Agimat sa Mundo ni Enteng.’Bukod  dito mainstay siya sa ‘ Bubble Gang,’ kasama rin siya sa Party Pilipinas ng GMA7 at may special participation din siya sa Ilumina at Petrang Kabayo.

‘Yun na!

-0o0-

Sosyal ang press launch na ibinigay ng Natasha for Empress Schuck ang Jennica Garcia last Wednesday sa The Sulo Hotel sa Quezon City. Masaya si Empress dahil after ng Rosalka kasama naman siya sa  serye nina Bea Alonzo at Robin Padilla.

“Siyempre po masaya na hindi ako pinabayaan o binitawan ng ABS-CBN. Na after ng Rosalka, meron naman akong panibago. Pinagpahinga muna nila ako ng isang buwan, tapos ngayon po meron na naman. Kaya masaya dahil ‘andyan po sila sa akin kahit natapos na po yung Rosalka,” bulalas niya.

Habang iniinterbyu si Empress ay inurirat ang dating na-link sa kanya na si Gerald Anderson. That was the time na bago-bago pa lang nagsisimula ang Kimerald loveteam. Pero at that early stage, nakatanggap na ng hate mails si Empress mula sa mga fans.

“Pero luckily po, hindi dumiretso sa akin, dumiretso sa handler ko. Parang sa kanya nagte-text na ganu’n din. Pero hindi na idinetalye sa akin ng handler ko. Basta sabi sa akin, ‘mag-ingat ka’ kasi, kung ano-ano rin tine-text sa kanya, na ginugulo siya, na nakita raw kami ni Gerald sa ganyan, ganito.”

Pero wala naman daw katotohanan na nakita sila ni Gerald sa kung saang lugar dahil that time ay hindi naman daw sila magkakakilala pa ng young actor.

“Hindi po kami friends, dati talaga. Pero mas nagkakilala pa kami after the issue. Parang sabi nga naming, “o, nai-issue tayo eh hindi naman tayo magkakilala’. Nagkikita naman kami ASAP and mas friends kami ni Kim kaysa sa kanya. Kaya nagtataka kami, saan nanggagaling ‘yun.

“Pero mas okay na kami ngayon and nagbiruan pa nga kami na ‘o, ikaw pala ‘yung nali-link sa akin, parang ganu’n.”

‘Yun na!

-0o0-

Patuloy na namamayagpag Studio 23 ngayong Setyembre matapos lumaki ang average national audience share nito sa 5%, base sa datos ng Kantar Media.

Dahil sa mga bagong programa na ipinakilala sa simula ng taon, ang audience share ng Studio 23 ay tumaas na hanggang 5% mula sa 1.8% audience share nito noong Enero 2010.

Ang patuloy na pamamayagpag na ito ay dala na rin ng patok na mga programa ng Studio 23 tulad ng Lunch Box Office, koreanovelas, animes,

Top Rank boxing mateches, at UAAP/NCAA games na tinatangkilik na ng mas dumadami pang Kabarkada saan man sa bansa.

Lalo pa ngang pinaigting ng Kabarkada Network ang trip ng buong tropa ng muli itong ilunsad noong nakaraang Oct 4.

Simulan na ang umaga sa simulcast ng mga programang “Radyo Patrol Balita Alas Siete” at “Dos Por Dos” ng DZMM TeleRadyo mula 7 AM hanggang 8:30 AM na susundan ng Nickelodeon shows na “Catdog” at “Danny Phantom” tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes at “Wonderpets” at “Chalkzone” tuwing Martes at Huwebes mula 9:30 hanggang 10:30 AM.

Tatlong bagong local shows din ang inilunsad kamakailan ng Studio 23 tuwing 9:30 PM sa primetime weeknight block nito— ang “3ow P0whz”

kasama si Ryan Bang tuwing Lunes, “Usapang Lalake” kasama sina Alex Calleja, Arran Sese, Jobert Austria, at Boom Labrusca tuwing Miyerkules, at “Pa Bida Ka!” kasama sina RR Enriquez at Aaron Atayde tuwing Biyernes.

Ipinakilala na rin ng Kabarkada ang naiibang uri ng pagbabalita sa primetime hatid ni Anthony Taberna sa “iBA-BALITA.” Hindi lamang siya naghahatid ng mga sariwang kaganapan sa bansa, siya rin ay nagsasagawa ng live interview sa mga tinaguriang ‘newsmakers’ sa mismong studio.

Sa unang linggo nito, nakapanayam ni Anthony si Executive Secretary Jojo Ochoa at binusisi rin ang mga isyu tulad ng reproductive health bill sa pamamagitan naman ng pag-interview sa mga magulang ng maraming mga supling.

Mapapanood na rin sa Studio 23 ang primetime replay ng hit crime docu-drama na “S.O.C.O.” kasama si Gus Abelgas tuwing Martes, 9:30 PM, at mga eksplosibong investigative reports nina Julius Babao, Pinky Webb, at Anthony Taberna “XXX” tuwing Huwebes, 9:30 PM.

Pagdating naman sa foreign series, mapapanood na ng mga Kabarkada ang pinakaabangang ika-anim at huling season ng “Lost” sa darating na Miyerkules (Nov 3) sa ganap na 10 PM. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply