Chavez vs Wolak tuloy pa rin

IPINAHAYAG ng Top Rank na tuloy pa rin ang laban nina Julio Cesar Chavez Jr. at Pawel Wolak sa Dec. 5 sa Honda Center sa Anaheim, California.

Magsasagawa naman ng press conference sina trainer Freddie Roach at Hall of Fame promoter Bob Arum ngayong araw na ito para linawin ang lahat sa Los Angeles.

Una nang napaulat na umatras na ang #1 WBC middleweight contender na si Chavez Jr. (41-0-1, 30 KO’s) dahil sa pagkakaroon nito ng flu.

Si fight Alfonso Gomez ang orihinal na kalaban ngunit dahil sa pinsala sa siko ay napilitan itong umatras kung saan agad namang ipinalit si Wolak.

Tampok din sa card ang laban nina Filipino flash Nonito Donaire at Vladimir Sidorenko at Humberto Soto vs. Urbano Antillon. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply