China sumungkit ng unang gold sa Asiad

Sinungkit ng host country China ang pinakaunang gold medal sa ginaganap na 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Nakuha ni Yuan Xiaochao ang gold medal sa larong wushu matapos na talunin ang kalabang si Daisuke Ichikizaki ng Japan na nakuha naman ang silver medal habang ang bronze ay napunta kay Ehsan Peyghambari ng Iran.

Ito ang kauna-unahang gintong medalya mula sa 476 gold medals na nakataya sa Asian Games ngayong taon.

Sa opening ng Asiad, 28 gintong medalya ang nakataya para sa swimming na inaasahang dodominahin ng China at Japan; weightlifting, shooting, gymnastics at judo.

Sa weighlifting, tatangkain ng Thailand na maagaw ang record ng China sa women’s 48 kilograms division.

Anim na gold ang nakataya sa shooting na inaasahang dodominahin ng China at India.

Tatagal ang kompetisyon hanggang Nobyembre 27 kung saan ang China ang sinasabing hahakot ng pinakamaraming gintong medalya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply