Chiz napikon sa NBI, DOJ

NAPIKON na si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa makupad at matamlay na pag-usad ng kaso ng isang volunteer nurse rape victim sa Maguindanao, kaya’t lantaran nang kinalampag ng senador ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Escudero, mahigit dalawa buwan na ang nakakalipas, wala pang matitibay na resulta ang isinasagawang imbestigasyon ng NBI sa kaso ni “Florence” na tila inaamag sa lamesa ng DOJ.

“It’s been two months and we have yet to pinpoint the perpetrators. I called for the DOJ and the NBI to brief me about the case and I am looking forward that we can put together a road map to hasten results not only for this particular case but for other cases as well that shout for justice,” giit ni Escudero.

Nitong Miyerkules, personal na pinuntahan ni Escudero si “Florence” ang Maguindanao rape victim sa kanyang ospital sa Davao City na siyang kahilingan ng biktima.  (Ernie Reyes)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply