Christmas bonus matatanggap na ng mga gov’t employees sa Nobyembre 15

MATATANGGAP na ng mga empleyado ng gobyerno simula sa Lunes, Nobyemre, 15, ang kalahati ng kanilang 13th month pay at karagdagang P5,000 cash gift.

Batay sa isang radio report,  sinabi ni Secretary Florencio “Butch” Abad, ipapalabas na ng Department of Budget Management (DBM) ang Christmas bonus ng mga government employees, casual o contractual workers man.

Kasama sa makakukuha ng kanilang bonus ay ang Philippine National Police (PNP), Department of National Defense (PND), at ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply