Cigarette vendor nilamas ng 2 manyakis

KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang construction worker matapos na lamutakin ang dibdib at mapuputing hita ng isang babaeng cigarette vendor sa pag-aakalang bayarang babae ito sa San Mateo, Rizal.

Ang mga naaresto ay kinilala ni Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto na sina  Artemio Macalino, 58 anyos, karpintero, at Ricardo Reyes, 40 anyos, pawang nakatira sa 03 Rosal St., Brgy. Cupang, Antipolo, City.

Pormal na nagharap ng reklamo sa pulisya laban sa dalawang suspek si Emayline Lozano, 37 anyos, naninirahan sa North Libis, Brgy. Banaba, ng nabanggit na bayan.

Ayon sa biktima, dakong alas-9:30 noong kamakalawa ng gabi habang siya ay nagtitinda ng sigarilyo at kendi ay dumating ang mga  suspek na lango sa alak. Inakala ng biktima na bibili ng sigarilyo ang mga suspek subalit y biglang dinakma saka nilamutak ng mga ito ang kanyang dibdib habang ang isa ay hinimas ang hita niya sabay alok ng P200 kapalit ang pagbibigay kaaliwan sa  dalawang suspek.

Dahil dito ay humingi ng tulong ang biktima sa isang tauhan ng OPSS na si Nestor Diaz kaya agad inawat nito ang mga suspek.

Sa halip na humingi ng tawad ay binastos pa ng dalawang lasing si Diaz saka sinampal ito kaya isinumbong na ang mga suspek sa himpilan ng pulisya. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply