Claudine, na-insecure kay Jillian Ward

NAPAG-USAPAN sa Juicy si Claudine Barretto tungkol sa hindi pagsipot niya sa sa prescon ng GMA Xmaserye na “Jillian: Mamamasko Po”. Ayon sa kuwento ay naloka ang production staff nang at the last minute ay bigla na lang daw hindi makontak ang cellphone ni Claudine kaya nahirapan ang mga ito na i-follow-up siya sa naturang prescon.

Ang nangyari nga ay no show siya sa naturang prescon at sina Jillian Ward at Wendell Ramos na lang ang nainterbyu ng press people. Ang isa pang nasa cast na si Michael V ay hindi rin nakapunta kasi busy naman ito sa taping ng “Pepito Manaloto”.

Ang rason na sinasabi kung bakit hindi siya nakasipot sa prescon ay dahil na-insecure raw siya sa batang si Jillian Ward. Kasi nga ito ang nagsisilbing bida ng xmaserye at support lang siya dito.

In fairness to Claudine, hindi kami naniniwala na insecure siya sa child star na si Jillian. Unang-una na, ang dami na niyang napatunayan dito sa showbiz samantalang isang baguhan lang si Jillian. Isa pa, obvious na gusto niya ang project, the mere fact na pumayag siyang gawin ito. At kung ang role naman na mommy ang pagdididkitahan, okey lang naman ito kasi she is a mom in real life. This is clearly a non-issue na ginawa lang at the expence of Claudine.

Ang inaabangan naming ay ang pagtatambal uli nila ni Mark Anthony Fernandez na remake raw ng “Somewhere” nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino. Gagawin nila ito pagkatapos nang gawin ni Mark ang “Little Star”.

***

Isa pang nakakalokang isyu ay ang pambabatos daw na ginawa ni Wendell Ramos sa baguhang si Gwen Zamora sa taping ng Bubble Gang. Diumano ay ninakawan daw ng halik ni Wendell si Gwen sa isang gag na ginawa nila sa show.

Ipinaliwanag na ni Wendell ang kanyang side sa prescon ng “Jillian: Namamasko Po!”. Biruan lang daw nila ‘yun sa set at hindi ‘yun seryoso. Kung napikon man daw si Gwen ay humihingi siya ng dispensa.

Marami naman ang naartehan sa inasal ni Gwen kung totoo ngang napikon siya sa “halik” na ginawad sa kanya ni Wendell. Obvious na isa lang siyang baguhan sa masayang barkadahan ng Bubble Gang kaya hindi pa nito kabisado ang personalidad ni Wendell. Kung kay Rufa Mae Quinto o Maureen Larazzibal “nagbiro” si Wendell, sigurado kaming hindi magre-react ang mga ito.

***

Grand finals na ng Star Factor sa Dec. 5, 1pm at gagawin ito sa Ynares Sports Arena, Pasig. The show will be hosted by Ruffa Gutierrez with John Estrada, Amy Perez, Richard Gomez and Lucy Torres. The grand winner will take home a grand package of P1M cash tax-free, P1M management contract with TV5, a 4-year college scholarship from AMA and a 3-bedroom, 2-storey house and lot from Moldex Realty.

Ang final 4 na sina Christian Samson (18, Bulacan), Morisette Amon (14, Cebu), Eula Caballero (15, Cebu) at Ritz Alzul (16, Pampanga) ang maglalaban-laban. Magaling sumayaw at matinee idol ang dating ni Christian samantalang si Morisette ay mala-Sarah Geronimo ang boses sa pagkanta. Parehong nage-excel naman sa dramatic acting sina Eula at Ritz. Talagang mahirap ngang pumili sa apat.

Ang aming fearless forecast na mananalo ay si Christian Samson. Siya ang bukod tanging pinakamaraming fans sa apat. At ang advantage niya ay siya lang ang nag-iisang lalaki sa final 4 kaya naman ang buong girl at pa-girl population is surely rooting for him. Mula rin sa umpisa ng competition ay siya na ang cleat favourite.

Ayon kay Christian, naniniwala siya na kaya niyang ipanalo ang sarili niya sa Star Factor kasi he is multi-talented naman at umaaapaw ang kanyang charm. Ang nakikita niyang mahigpit niyang makakalaban ay si Morisette na hataw naman talaga kung bumirit na sa pagkanta. Dark horse rin si Eula na ang ganda-ganda na screen at tunay na mukhang artista ayon nga sa gawad ng Star Makers. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply