Club na di matinag kahit grabe ang live sex

Pahapyaw nating silipin ang notorious FHM Club na pag-aari ng pulis na si Caralde ng CIDG sa West Avenue, Quezon City.

Alam ba ninyo na ang FHM Club ay may sikretong underground sex room na kalimitang parokyano ang mga security ni PNoy?

Ang FHM Club ay 50 meters lang ang layo sa bahay ni PNoy sa Times St., QC. Bukod sa FHM Club, may club din si Caralde sa boundary ng Marikina at Antipolo at Quirino Ave., Novaliches na kamakailan  lang ay ni-raid  ng mga pulis, kasama ang team ng imbestigador ni Mike Enriquez dahil sa grabeng pagpapalabas ng live sex or toro. May club din si Caralde sa 3rd Ave at McArthur Highway, Caloocan na nagpapalabas ng live sex.

Bilib naman ako sa pulis na ito. Sa halip na siya ang manguna para hulihin ang mga kalaswaang panoorin ay siya pa mismo ang pasimuno ng kababuyan.

Palibhasa napakalakas ni Caralde kay PNP chief Gen. Raul Bacalzo. Ang kaso naturingan na pulis pero ang ginagawa ay labag sa batas.

Pero ang nakapagtataka, nanatili pa ring pulis si Caralde dahil sa malakas nga siya kay Gen. Pangkalso, este, Bacalzo.

LOTENG COP PADER KAY GEN . BACALZO

Pulis din ang isa pang ulol na pulis na si PO1 Jasinas  ng QCPD. Napakatagal nang pulis pero hanggang ngayon ay PO1 pa rin si Jasinas.

Bakit? E kasi, walang inatupag ang pulis na ito kundi ang mag-tongpats sa loteng ni Lito Motors.

Tingnan ninyo, paanong maibabalik ang tiwala ng tao sa mga pulis kung sa halip na si PO1Jasinas ang ma-nguna para hulihin ang loteng ni Lito Motors, e, si-ya pa ang tagabigay ng intelihensiya nito sa loteng.

Pader nga ba sa inyo,  PNP chief Gen. Raul Bacalzo si PO1 Jasinas? Ano ba ang dapat gawin sa mga pulis na kagaya ni PO1 Jasinas?

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 091892747-64, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply