Collegiate All-Star Games

TATAMPUKAN ng pinakamagagaling na collegiate basketball cagers ng bansa ang gaganaping 9th edition ng UAAP-NCAA Bantay Bata 163 All-Star Games sa
sabado sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Kakakalas sa 5-5 na pagkakatabla ang UAAP at NCAA selections na nagsalpukan sa head-to-head labanan mula noong 2002.

Si Blue Eagle coach Norman Black ang gigiya sa UAAP sa 3-times champions Ateneo na bubuuin nina most valuable player Ryan Buenafe, Kirk Long, Eric Salamat at Nico Salva.

Ang UAAP selections ay kabibilangan nina season 73 MVP Ryan Roose Garcia, Aldrech Ramos, Reil Cervantes ng Far Eastern University, Alex Nuyles at Lester Alvarez ng Adamson, Simon Atskin at Maui Villanueva ng La Salle, Emmanuel Mbe ng National University, Paul Lee at Ken Acibar ng UE at Clark Bautista ng UST Tigers.

Ang NCAA All-Stars na tatanganan ni coach Frankie Lim ay bubuuin nina Sudan Daniel, Jake Pascual, Rome dela Rosa, Kyle Pascual, Garvo Lanete, Anjo Caram, Dan Marcelo at Anthony Semerad na pawang manlalaro ng Red Lions. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply