Combat pay ng mga sundalo itataas

INAPRUBAHAN  na ng Senado ang pagtataas ng halaga ng combat pay na ibinibigay  sa lahat ng sundalo na  nahaharap sa panganib sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Sa kanyang committee report No. 8, sinabi ni Sen. Francis Escudero na makaaasa na ang lahat ng sundalo na magkakaroon ng mas mahusay na combat pay dahil aprubado na ng Mataas na Kapulungan ang pagtataas ng combat duty pay sa lahat ng tauhan ng AFP alinsunod sa panganib na kanilang kinahaharap.

“Itinataas ng Senado ang combat duty pay ng opisyal at enlisted personnel ng AFP mula sa dating minimum na limang porsiyento tungo sa pinakamataas na 25% sa kanilang base pay.”

Sa kasalukuyan, papalo lamang sa P240 kada buwan ang natatanggap ng bawat sundalo na nakatalaga sa combat zone. Umaabot lamang sa P12,150 kada buwan ang sahod ng isang private sa AFP.

Tinataya sa 88,075 sundalo ang tumatanggap ng combat duty pay na pinaglaanan ng halagang P253 milyon sa lahat ng tauhan ng militar. Ernie Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply