Complaint sa congressman na tinawag na kriminal si GMA, umusad na

UMUSAD na ang ethics complaint na inihain laban kay Akbayan party-list Rep. Walden Bello matapos nitong tawagin sa kanyang privilege speech na kriminal si Gloria Macapagal Arroyo at buwaya at mga baboy naman ang mga taong nakapaligid sa dating pangulo.

Sa pagdinig ng House Ethics Committee nitong Martes sa complaint laban kay Bello, nagkaisa ang siyam na dumalong kongresista sa hearing na may “substantial compliance” ang reklamong inihain ni Davao Rep. Marc Douglas Cagas laban sa Akbayan representative.

Hindi naman nabahag ang buntot ni Bello sa pag-usad ng reklamo laban sa kanya. Di raw niya pinagsisisihan ang anumang mga sinabi niya sa plenaryo laban sa dating pangulo na ngayon ay kinatawan na ng ikalawang distrito ng Pampanga.

” I am confident that we have the number. I know for a fact that this is just the beginning of the process and I am confident that we have committed no wrong.  If you ask me again if I will do the same thing, yes I will do the same thing,” ani Bello.

Sa loob ng limang araw ay ipapaabot  kay Bello ang desisyon ng mga miyembro ng kumite na may sapat na “compliance” ang reklamo ni Cagas. Kinakailangang sagutin ito ni Bello sa loob ng 10 araw matapos siyang pormal na makatanggap ng kopya ng desisyon. Meliza Maluntag

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply