Computerized civil registrar sisimulan na

MAGIGING madali para sa mga kukuha ng civil records ang mga residente ng Caloocan City matapos simulan ang computerized civil registrar na kauna-unahan sa buong Pilipinas.

Pormal na sinimulan ang computerized civil registrar sa lungsod kung saan ay dumating na mula sa Salt Lake City , Utah ang mga computers na gagamitin sa makabagong paraan ng pagkuha ng mga civil records.

Sa pamamagitan ng 10 hard drives na mayroong 750 gigabytes na naglalaman ng 100,000 microfilmed documents kada isa ay magagawa nang mailagay sa computer records ang mga birth, marriage at death certificates simula noong 1900s hanggang sa kasalukuyan.

Sisimulan nang i-encode ang mga naturang dokumento sa computer nang sa gayon ay madali na ang pagkuha ng birth, marriage at death certificates ng mga residente na mangangailangan nito.

Napag-alaman naman kay Lucena Flores, civil registrar ng lungsod na sa loob lamang ng limang minuto ay makukuha na agad ng mga residente ang mga dokumentong kanilang kailangan.

Sa pamamagitan din ng computerized civil registrar ay makakaiwas na ang mga residente na kukuha ng birth, marriage at death certificates na mabiktima ng mga gumagalang fixers.

Isang magandang hakbang ang proyektong ito ng lokal na pamahalaan dahil bukod sa kauna-unahan ito sa ating bansa ay hindi na maghihintay ng matagal ang mga residenteng kukuha ng kanilang mga kailangang dokumento.

MEGA JOB FAIR DINAGSA

Dinagsa ng mga residenteng naghahanap ng trabaho ang ginanap na mega job fair noong November 18 ng kasalukuyang taon.

Sa rekord mula sa Labor Industrial Relation Office (LIRO), mahigit sa 2,000 job applicant ang nagparehistro sa  layuning makakuha ng kanilang mapagkakakitaan.

Naging makatuparan ang mega job fair dahil na rin sa pagsali ng 84 employers kung saan 35 sa mga ito ang direct, 42 ang agency habang 7 naman ang naghahanap ng mga empleyado na gustong magtrabaho sa ibang
bansa.

Muling magkakaroon ng mega job fair sa darating na November 26, 2010 (Biyernes) na gaganapin sa Caloocan City Hall Annex na sisimulan dakong alas 8:00 ng umaga at matatapos ng alas 5:00 ng hapon.

Magtutuloy-tuloy ang gagawing job fair nang sa gayon ay matulungan ang mga residente na gustong makahanap ng maayos na pagkakakitaan para sa kinabukasan ng  pamilya.

Patuloy din ang pagbibigay ng proyekto sa mga residente partikular na sa inprastaktura at pagpapaunlad ng ekonomiya ng Caloocan.

MAG-ASAWANG MAGNANAKAW SA DASMARINAS, CAVITE INIREREKLAMO

Inireklamo sa atin ang mag-asawang Loreta at Ferdie diyan sa Area C, Dasmarinas, Cavite dahil sa pagpupuslit ng mga  mga imported bathroom materials na gaya ng inodoro, lababo, shower, Jacuzzi at kung ano-ano pang mamahaling kagamitan sa banyo.

Ibinibenta ng mag-asawang ito ang kumpletong set ng nasabing mga materyales sa halagang P10,000 lamang. Ipinupuslit ng mga naturang magnanakaw ang mga kagamitan papalabas sa kompanya mula sa kontak nila sa loob.

Sa susunod, atin namang ibubulgar ang tunay pagkakakilanlan sa mag-asawa at kung saan nilang kompanya kinukuha.

Kung sino man ang nakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong lugar, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply