Concert tuloy na, Pacquiao walang injury! – doktor

Kinumpirma kahapon ng mga doktor sa Los Angeles hospital  na walang injury sa katawan si eight division world champion Manny Pacquiao sa kanilang isinagawang pagsusuri matapos itong makipagpalitan ng malulupit na suntok kontra kay Antonio Margarito noong Linggo.

Ayon sa ulat, isinugod sa ospital si Pacman kahapon dahil sa matinding pananakit ng katawan partikular ang kanang bahagi na tinamaan ng solidong suntok ni Margarito.

Base rin sa resulta ng magnetic resonance imaging (MRI), walang fracture o rupture sa katawan ang pound for pound king.

Paglabas ng ospital, nakangiti pa umano si Pacman at tumuloy na sa Lake Tahoe kung saan ito magko-concert.

Isiniwalat rin ni Pacman na sa Lunes ng madaling araw ang balik niya sa Pilipinas.

Sa ngayon, todo preparasyon na rin ang iba’t ibang ahensiya at mga pulitiko na sasalubong ng engrande sa pambansang kamao upang ipagdiwang ang kanyang panalo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply