Congressional medal kay Pacman

Nanawagan para sa isang National Day of Celebration si Bohol Rep. Arthur Yap para sa tagumpay ng muling pagkapanalo ng pambansang kamao.

Sa pamamagitan ng House Resolution 609 ay sinabi ni Yap na dapat bigyan ng pinakamataas na pagkilala o “Congressional Medal of Achievement” si Sarangani Rep. Manny Pacquiao matapos nitong pataubin si three–time world champion Antonio Margarito ng Mexico matapos niyang makamit ang World Boxing Council (WBC) super welterweight champion at pagkakasungkit sa ika-8 kampeonato sa ganoong bilang din na weight division.

Hinimok din ni Yap sa kaniyang resolusyon si President Aquino na magdeklara ng “National Day of Celebration” at Special National Holiday sa pagdating ni Pacquiao sa bansa.

Bago nagsimula ang sesyon kahapon ay umabot na sa 15 na resolusyon ang inihain sa Kamara sa pangunguna ni House Speaker Feliciano Belmonte na kumikilala sa galing ng kongresista. (Meliza Maluntag)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply