Cuello vs Seguria ikakasa

TULUYAN nang maikakasa ang bangasan nina WBA #14 Jr flyweight Denver Cuello (25-4-6, 15 KOs) at WBA champ Giovanni Segura sa November 27.

Ito ay matapos patulugin ni Cuello ang Thai opponent niya na si Kongkrai Kiatpracha (17-12, 11 KOs) sa unang round lamang ng kanilang bakbakan kamakalawa kasabay ng laban ni Brian Viloria.

Ayon kay Cuello, matagal na niyang pangarap na makaharap si Segura.

Aniya, kahit na noong hindi pa naaagaw ni Segura ang korona ni dating WBO champ Ivan Calderon ay nangangarap na siyang makasagupa sa ibabaw ng ring ang nasabing kampeon.

Sa laban naman ng mga unbeaten lightweights, si Al Sabaupan (14-0-1, 10 KOs) ay dinispatsa ang isa pang Pinoy pug na si Arnel Donal (10-1-1, 4 KOs) sa ten rounds. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply