Dahil nag-file ulit ng TRO ang Dos: Willie humiling ng dasal sa fans

HINILING ni Willie Revillame sa kanyang mga tagahanga at supporters ang dasal para hindi magkaroon ng Temporary Restraining Order ang Willing Willie dahil muling nag-file ng TRO ang ABS CBN sa Quezon City Regional Trial Court.

“Sabi ng lawyer ko may TRO uli ang kabilang station, okey lang ang TRO sa akin pero paano yung mga tao na umaasa sa programa. Yung pamasahe, pambili ng gamot, yung asawa nasa ospital, pang-matrikula ng bata. Dito sa Willing Willie, papasok ka lang kapag natawag ka may pagkakataon ka nang manalo ng cash.

“Ano ba ang gusto natin, tumambay sila kung saan-saan? Maaksidente o ano? Sana naman ipagdasal natin na huwag na kaming ma-TRO. Ipagdasal nating lahat na nagmamahal sa programang Willing Willie kasi kapag na-TRO kami, isang buwan kaming mawawala.

“Pagkatapos ng isang buwan at kapag kami ay hinusgahan ulit, injuction, mawawala agad ang programa. Papaano ang mga umaasa sa programa? Pero sa dasal, nananalig pa rin tayo sa dasal. Sama-sama po tayo at sana lang huwag tayong mapahinto para tuloy-tuloy ang saya at pag-asa,” pakiusap ni Willie sa live audience at viewers ng WW sa TV5.

LIAN PAZ, BUNTIS ULIT

Ayaw pang kumpirmahin ni Paolo Contis kung buntis nga si Lian Paz sa ikalawa nilang baby. Nagulat na lang daw siya nang may bumabati sa kanya dahil buntis na si Lian at may kapatid na ang baby nila na si Xonia.

“We are not sure yet kung pregnant siya (Lian).Malalaman namin yan next month pa siguro. Ayaw naming mag-assume kasi it`s too early to tell. Puwedeng oo at puwedeng false alarm lang. Kaya we want to be sure bago kami magsabi. So next month na lang ang announcement kung ano nga ba,” pahayag ni Paolo sa taping ng “Show Me Da Manny.”

Duda ni Paolo na kaya may nagsabing buntis si Lian ay dahil may nakakita sa kanila na nasa St. Luke`s Medical Center. Sabi ni Pao, nandoon sila dahil may regular check-up ang anak nilang si Xonia sa pediatrician nito.

Pero wala naman daw masama kung mabuntis ulit si Lian dahil gusto na nilang sundan si Xonia.

“Mabilis lumaki si Xonia. Baka next week mag-aaral na siya. Ganoon siya kabilis lumaki. Kaya kung magkakaroon ng next baby, why not? Blessing yan mula kay God, di ba ?  But we want to be sure first, kaya wala pa kaming official announcement tungkol diyan. Wait na lang nila sa November kung true or false ang balita,” say pa ni Pao.

RUFA MAE, HINDI INSECURE SA MGA BUBBLETS

Walang bakas ng insecurity si Rufa Mae Quinto kahit na young and fresh beauties ang mga bago nilang kasama sa Bubble Gang—ang Bubblets na binubuo nina Jackie Rice, Gwen Zamora, Ellen Adarna at Sam Pinto.

In fairness kay Peachy (Rufa Mae) sa ganda ng katawan at flawless na kutis ay may “K” pa rin ito kahit itabi mo pa sa mga fresh and young beauties.

Marunong siyang mag-alaga ng katawan kaya hindi nakapagtataka na may bago na naman daw big time suitor (as in super rich at powerful) ang sexy comedienne na mainstar din ng “Kaya ng Powers” sa role na misis ni Joey Marquez.

Samantalang sa episode ng “Kaya ng Powers” ngayong Sabado  ay magkakaroon ng isa pang anak si Rufa Mae sa katauhan ni Jillian Ward kaya naman tuwang-tuwa ang tatlo pa nilang anak ni Joey sa sitcom na sina Rhian Ramos, Sheena Halili at Elmo Magalona.

Mag-iimbento ng formula si Joey na ituturok kay Rufa Mae para ito mabuntis kaagad at ang magiging bunga nga ay si Jillian.  Makakasama rin sa sitcom ngayon Sabado sina Barbie Forteza at Steven Silva. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply