Dahil sa abalang schedule, P-Noy di makakapanood ng laban ni Pacquiao

DAHIL sa sobrang dami ng nakatakdang gawin habang nasa Japan, maaaring di makapanood si Pangulong Benigno Aquino III ng laban nina boxing icon at Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao at Antonio Margarito sa Linggo.
Ayon kay Deputy presidential spokeswoman Abigail Valte, hindi na mahaharap pa ng Pangulo ang makapanood ng laban ni Pacquiao dahil abala ito sa Yokohama para sa Asia-Pacific Economic Cooperation summit, na nakatakda ring gawin ng Linggo.
“Sa araw ng Lunes ang araw na pagbalik ni Pangulong Aquino at ng delegasyon … Depende pero sa nakikita ko sa schedule niya, may engagement siya tomorrow,” ayon pa kay Valte.

Sa kabila nito, kumpiyansa naman ang Malakanyang na maipapanalo ni Pacquiao ang naturang laban.

“We send our sincere prayers and wishes to Congressman Pacquiao. Nasa likod ninyo kami (We support you),” dagdag pa ni Valte.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply