Dahil sa bawal na relasyon, Pinay pinatawan ng 100 beses na hagupit sa UAE

DAHIL sa ipinagbabawal na relasyon, pinatawan ng 100 hagupit ng latigo ang Pinay domestic helper at kanyang nobyo na kapwa Muslim matapos itong ipag-utos ng korte sa United Arab Emirates.

Bukod sa naturang parusa, pababalikin na rin sa sariling bansa ang Pinay na may inisyal na N.M.  Hinatulan naman ang kanyang nobyo na may inisyal na S.M. na makulong ng isang taon dahil sa pakikipagtalik sa nobya sa loob ng bahay ng employer nito nang hindi batid ng huli. Siya ay pauuwiin din sa Bangladesh matapos mabuno ang ipinataw ng korte.

Batay sa rekord ng korte, nakipagtalik ang Pinay sa nobyo nitong Bangladesh habang wala ang kanyang amo at mga anak nito sa bahay.

Hindi batid ng mga akusado na nakita sila ng employer ng Pinay kaya’t kaagad na nagsuplong sa pulis at sila ay inaresto.

Inamin ng Pinay DH na madalas niyang pinapupunta ang nobyo sa bahay ng amo kapag wala ang pamilya.  Kapwa nila inamin na makailang beses na silang nagtalik sa loob ng nasabing bahay.

Isinasaad sa batas ng Shariah na sinumang Muslim na nakipagtalik sa hindi niya asawa ay maaaring magtamo ng 100 hagupit bago pauwiin sa sariling bansa habang ang mga hindi Muslim naman ay maaaring ikulong at pabalikin sa sariling bansa.

Dahil kapwa Muslim ang dalawa, pinatawan sila ng 100 latay ng latigo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply