Dahil sa iniindang injury sa paa at tiyan: Pinoy dudang mananalo si Pacman

Naniniwala ang maraming boxing analysts na isang lucky punch lang mula sa Mexican fighter na si Antonio Margarito ang maaring makatalo kay pound for pound king Manny “Pacman” Pacquiao.

May iba naman na nagsasabi na  mananalo ang Pinoy ng walang kahirap hirap kontra sa Mehikano at matatapos ang laban ng hindi lalampas sa limang rounds.

Pero parang nahahati na ang paniniwala ng mga fans sa buong bansa kung mananalo si Pacman kontra kay Margarito dahil sa isiniwalat ni coach Freddie Roach at mismong si Pacman na may iniinda siyang injury sa paa at iyan.

Ayon sa mga doktor, ang injury ni Pacman ay dahil sa medyo tumatanda na rin ito at nararamdaman na ng katawan niya ang hirap na inabot sa mga laban at ensayo.

“Parang sasakyan iyan na nasisira, nauupod rin ang mga piyesa ng katawan dahil sa matinding paggamit,” ayon sa mga doktor.

Imbes na solido ang pustahan pabor kay Pacman ay may pumupusta na rin ngayon pabor sa mas matangkad na si Margarito.

Ayon nga kay Jet Li sa isang pelikula, maliit siya kaya kinakailangan niyang maging malakas at mabilis upang mailagan ang kalaban, dahil lahat ng tatama sa kanyang suntok mula sa malalaking kalaban ay siguradong malalakas dahil sila ay malalaki at siya ay maliit.

Nagdadalawang isip ang mga tao, dahil naiisip nila na baka nawala na ang bilis ni Pacman sanhi ng iniindang  injury sa paa at tiyan.

May iba naman na nagsabing malabong matalo si Pacman dahil may itinatago itong agimat na nagbibigay sa kanya ng kakaibang lakas at bilis.

Ano pa man ang mangyari, naniniwala pa rin ang sambayanang Filipino na mananalo si Pacman sa laban sa kabila ng kanilang pangamba na baka madale siya ni Margarito at maging sanhi ito ng isang matinding injury o di kaya’y brain damage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply