Dalagang ipinagpalit ng nobyo sa iba, nagpakamatay

WINAKASAN ng isang dalaga ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason matapos malaman na may iba pang girlfriend ang kanyang boyfriend sa Caloocan City.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng ininom na hindi mabatid na lason ang biktima na si Jenefer Comora, 21, ng Ususan st., ng lungsod.

Base sa nakalap na inpormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan-PNP, dakong 12:00 a.m. ng hatinggabi, narinig na lamang ng mga magulang ng dalaga na umuungol ito sa kanyang silid.

Dahil dito, dali-daling pinuntahan ng mga magulang ng biktima ang kuwarto nito at laking gulat ng mga ito nang makitang bumubula ang bibig at namimilipit na ang anak kung kaya’t agaran itong isinugod sa PDMMMC.

Nabatid na nalaman ng dalaga na may ibang nobya ang kanyang nobyo na labis nitong dinamdam, at itinuturo ring dahilan upang maglason ang biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply