Dalagita hinalay ng Hapones

NAGSADYA sa presinto ang isang dalagita matapos halayin ng isang hindi pa nakilalang Japanese national sa loob ng isang bahay, sa Caloocan City.

Kasama ang tiyahin upang magreklamo ang dalagitang edad 15, ng Tondo, Manila.

Sa pahayag ng biktima, nakita niya ang suspek sa isang inuman sa Caloocan City at nang matapos ay niyaya siya nito sa isang bahay sa Guido st., Maypajo, ng nasabing lungsod.

Dahil sa mukhang mabait at kahit hindi na matandaan ng biktima ang pangalan ng suspek ay sumama ito, subalit pagsapit sa loob ng bahay ay sapilitan na siyang ginahasa ng Hapones.

Nang makaraos ay nagmamadaling umalis ang suspek habang umuwi ng bahay ang biktima at nagsumbong sa kanyang tiyahin na naging dahilan upang samahan siya sa presinto. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply