Dalagita minolestya ng kapitbahay

ARESTADO  ang isang lalaki matapos ipagharap ng sumbong ng  isang menor de edad na babae sa tangkang panggagahasa, sa Northbay Boulevard South, Navotas City.

Ang suspek na nakapiit at naaharap sa kasong Acts of lasciviousness at paglabag sa RA 7610  o child abuse ay nakilalang si Calixto Vasquez 47, may asawa,ng Champaca st., ng nasabing lungsod.

Ang biktima na sinamahan ng kanyang ina  sa tanggapan ng Women Child  and Protection Desk (WCDP) ay nakilalang si Rosalinda, hindi tunay na pangalan, 16, kapitbahay ng suspek.

Ayon sa imbestigasyon ni P03  Arlene Alviro,  ganap na 4:30 kamakalawa ng madaling-araw nang pasukin ng suspek ang mahimbing na natutulog na biktima sa loob ng bahay at pinagtangkaang gahasain.

Tanging ang kasama ng biktima ay ang dalawang batang kapatid nito nang iwanan ng ina at umuwi papuntang lalawigan.

Kahapon, pagdating ng ginang ay nakita nito ang suspek na nakahubad at nakatabi sa higaan ng kanyang anak.

Dito na isinalaysay  ng biktima na madalas siyang hinihipuan at hinahawakan sa maseselang bahagi ng katawan saka pinaghahalikan habang siya ay nagluluto ng pagkain sa kanyang mga kapatid.

Dahil dito, nagsadya ang mag-ina sa himpilan ng pulisya para pormal ng sampahan ng kaso ang suspek. Roger Panizal

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply