Dalagita sex slave ng stepdad

NASAGIP ng pinagsanib na puwersa ng elemento ng Manila Police District (MPD) at social workers ang isang dalagita na  pinagsamantalahan ng sarili nitong amain sa Port Area, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Anita Araullo, ang pagkasagip sa menor-de-edad na biktima na itinago sa pangalang “Angelica” ay bunsod na rin sa pagmamalasakit ng ilang kapitbahay nito hinggil sa ilang ulit na panggagahasa ng amain nitong si Noel Pepito, 38.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng MPD-WCCD, dakong alas-kwatro ng madaling araw kahapon nang pagsamantalahan ng amain ang dalagita sa loob ng kanilang bahay sa 728 Blk. 1, Gasangan, Baseco Compound.

Sinabi ng biktima na tatlong beses na siyang pinagsamantalahan ng amain mula noong Nob. 3.

Madalas gawin ng suspek ang pananamantala sa biktima tuwing natutulog ito.

Tumatabi umano ito sa higaan ng dalagita saka hinahawakan ang  dibdib pagkatapos ay hinuhubaran ng shorts at underwear nito.

“Noong ayaw ko po ay sinuntok niya ang tiyan ko at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg. Natakot po ako at wala akong nagawa kaya ipinasok niya ang ari niya sa akin,” ayon pa sa biktima.

Samantala, sinampahan na ng MPD-WCCD ng tatlong counts ng rape ang suspek  sa Manila Prosecutor’s Office. Jocelyn Tabangcura

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply