Dangerous Drugs Act isinampa sa 3 drug dealer

Sinampahan ng Pasay City police ng kasong paglabag sa dangerous drug act ang tatlong hinihinalang drug dealer na nahulihan ng libo-libong halaga ng droga sa Las Piñas-Cavite area.

Kinilala ng Pasay City Police Chief Supt. Napoleon Cuaton ang mga kinasuhan na sina Lowin Gesite, 32, driver, ng 230 11th st., Silverio Comp., Paranaque City; Edgardo “Ed” Villanueva, 48, ng  248 Talaba 5, Bacoor, Cavite at Cyril Montes, 28, residente ng 8 Bayanan, Muntinlupa City.

Nabatid na ang nasamsam na tatlong kilong cocaine na nagkakahalaga ng mahigit P18,000 ay mula pa sa lalawigan ng Samar.

Ayon kay PO3 Ronaldo David bago naaresto ang mga suspek, nakatanggap sila ng impormasyon na ang mga ito ay sangkot sa malawakang pagbebenta ng cocaine sa lungsod ng Paranaque, Muntinlupa City at Bacoor Cavite.

Agad na nakipag-ugnayan ang awtoridad sa Philippne Drug Enforcement Agency (PDEA) at isang poseur buyer ang nakipag-kasundong kay Villanuea na bibili ng cocaine. (Johnny F. Arasga)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply