Dati: Mga Boy Scout, Ngayon: Mga Girl Scout

HANGGANG kailan malilinis sa mga boy scout at girl scout ang Palasyo ni Pangulong Noynoy?

Kaugnay ito ng pagiging “amateurish” ng ilang tao ni PNoy sa kanilang pagtingin at paggampan nila ng kani-kanilang lang mga trabaho at tungkulin.

Minsan nang tinawag ni Senador Joker Arroyo ang ilang trusted men ni PNoy na mga “boy scout” sa pagiging bata pa at tila hindi handa na gumampan ng mga seryosong tungkuling para sa lamang sa big boys.

Naglalaro ang mga PNoy men hindi ng toys for big boys kundi for boy scouts.

He! He! He!

At mukhang natamaan ni Sen. Joker ang ulo ng pako sa pagmamartilyo nito makaraang umalingasaw naman sa twitter ang mga patutsada ng speechwriter ni PNoy ukol sa mga Vietnamese.

Walang “guwapo” na Vietcong, wala sa lasa ang alak nila at “nakamamatay” ang kalsada roon.

Hindi kaya nakopya ni speechwriter ang mga “guapotel” at “bawal tumawid dito, nakamamatay” ni dating presidential aspirant at MMda Chairman Bayani Fernando. Baka nga naging “fan” ni BF yang speechwriter na yan, a.

Ngayon, para dumaan sa tamang landas ang mga nagkakamaling tagapagsalita at inner circle ni PNoy, magpapalabas na umano ang Palasyo ng guideline.

Idinamay na rin ng Palasyo ang  lahat sa ehekutibong sangay.

Bawal na ba ang paggamit ng twitter, facebook, yahoo messenger atbp?

Hindi naman siguro dahil kailangan ni PNoy ang lahat ng mga haytek na paraan para maipaabot sa kanya ang boses ng kanyang mga boss.

Pero sa pagsagot-sagot sa mga ito o kaya’y paglalabas ng opinyon ng mga taga-Palasyo hanggang sa mga nadamay na nasa ehekutibong sangay ng pamahalaan ukol sa mga isyo o pagbabalita kaya, kailangan nilang magmukhang big boys at big girls na.

Hindi yung titira sila pagkatapos ay mabalitaan na lang na sinabon na pala sila ni PNoy. Sabagay, maganda naring nagaganap ito.

Dati-rati kasi, bubungangaan ka ng mga taga-Malakanyang at ayaw nilang mapuna-puna. Sa halip na maging humble, ang pagtataray at pagpapakita pa ng mapang-abusong kapangyarihan ang nararamdaman sa kanila.

Ngayon, good luck sa lahat diyan na tila na nasa expermental stage pa sa pagtatrabaho.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.
Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply