Dating sekyu ng NBI kalaboso sa gun ban

NADAKIP ang isang dating security guard dalawang araw bago ipawalang-bisa ang election gun ban na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec).

Ang nadakip ay nakilalang si Rico Selerio, 42, ng J. Libo st., Malanday, Valenzuela City, dating nakatalaga sa punong tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nabatid na dumalaw si Selerio sa kaibigan nito na nakakulong sa Valenzuela City Jail na dala ang isang kalibre .38 Smith & Wesson na baril.

Sa interogasyon ay lumabas na expired na ang permit to carry ng nasabing sandata ng inisyu sa kanya ng NBI. Wala itong gun ban exemption mula sa Comelec.

Bukod sa walang lisensyang baril ay nakumpiska din mula kay Selerio ang 12 bala, dalawang piraso ng quick reloader, ID ng NBI, NBI badge at dalawang holster na pawang nakasilid sa isang bag. Sinabi ni Chief Insp. Danilo Bugay na humingi ng tulong ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology sa Valenzuela City Jail matapos makita ng jailguard sa bag ng akusado ang mga nasabing kagamitan.

Kasong paglabag sa PD 1866 at Violation of Omnibus Election Code o  Comelec gun ban ang kinakaharap ng akusado na nakasampa sa Valenzuela City Prosecutors Office. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply