Dating US President Clinton, nakaalis na ng bansa

MATAPOS ang isang araw ng makabuluhang pagbisita para magbigay ng talumpati sa isang forum sa Manila Hotel sa bansa, nakaalis na si dating United States President Bill Clinton.

Batay sa impormasyon mula sa Manila International Airport Authority (MIAA) Media Office, bandang 9:30 ng umaga nang lumipad patungong Singapore ang sinakyang chartered plane ni Clinton na Boeing 762.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Sr/Supt. Dionardo Carlos, ang matagumpay na pagbisita sa bansa ni Clinton ay nangangahulugan lamang na ligtas bumisita sa Metro Manila ang sinumang high-profile personality taliwas sa mga balitang banta ng terorismo sa bansa.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply