Dayaan sa lotto itinanggi ng PCSO

ITINANGGI ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang paratang na nagkakadayaan sa bolahan ng lotto kaya ibinalik ang kontrol at pangangasiwa sa tanggapan ng Office of the President.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas, hindi totoong ibinalik sa pangangasiwa ng Office of the President ang PCSO upang matiyak na hindi madadaya ang jackpot sa lotto.

Pabor aniya ang PCSO na ibalik sa Office of the President ang pangangasiwa sa ahensya dahil ito ang nakasaad sa kanilang charter.

Iginiit din ng opisyal na walang dayaan sa bolahan ng lotto dahil live naman itong napapanood sa telebisyon para magkaroon ng transparency.

Simula aniya sa Biyernes, ililipat na ang draw point ng lotto sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City na magiging bukas pa rin sa publiko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply