Demanda kay Willie ng Dos, desperate move

SA “Presscon On Air ” ng Paparazzi noong Linggo, November 28, sa TV5, tampok na celebrity co-host nina Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajal at DJ Mo si Pops Fernandez, na nalagay sa ‘hot seat’ sa tanungan portion ay nagsilbi ring co-host ng tatlo, dahil hindi nakapag-report sa kanyang hosting chore si Ms. Ruffa Gutierrez.

Earlier, sa live interview portion nina Cristy F at Dolly Ann ay napanood si Yayo Aguila, na naluha sa interview habang tinatanong tungkol sa kalagayan ng kanyang actor-husband, William Martinez, na kamakailan ay na-stroke at na-confine sa ICU ng isang ospital.

In-interview din nina Cristy, Dolly Ann (with Pops Fernandez) ang Final Four candidates ng Star Factor, kabilang sina: Eula Caballero, 15 years old (mula sa Cebu); Ritz Alzul, 16 (Pampanga); Morisette Amon, 14 (Cebu); at Christian Samson, 17 (Bulacan). Sa  Linggo, December 5, ang grand finals ng first ever artista search ng Kapatid network, sa Ynares Sports Arena, sa Antipolo City.

Meanwhile, sa one-on-one interview ni DJ Mo kay Janelle Jamer ay naging emosyunal ang dating co-host ng Pilipinas Win Na Win, dahil sa paratang sa kanya ni Rico J. Puno na siya raw ay “nagnakaw” ng iPad ng veteran singer-TV host.  Mariing itinanggi ni Janelle ang naturang akusasyon.

Mahabang talakayan ang nangyari among TV5 lawyers and the talk show’s main hosts, hinggil sa kasalukuyang dinirinig na kaso ng Willing Willie na hinu-host ni Willie Revillame, at ng nag-demandang Kapamilya (ABS-CBN-2) station, over copyright infringement ng dating noontime show ng Dos na Wowowee.  Nais ng ABS-CBN management na mahinto ang kasalukuyang nagre-rate na programa ng TV5.

Ayon sa mga abugado ng TV5, ang demanda laban sa Wiling Willy ay isang “desperate move” ng ABS-CBN-2.

Nagpa-interview rin ang Presidente ng TV5 na si Mr. Rey Espinosa, na ani Cristy Fermin, ay unang pagkakataon na ginawa ng pinuno ng istasyon.

*  *  *

Dahil sa mahabang talakayang ‘yun, tungkol sa kaso ng Wiling Willy, na nagtataka kami kung bakit napag-usapan on air, gayung nasa korte na ang kaso (madalas sabihin ng sinumang may kaso, artista man o non-showbiz celebrity, “It’s already in the courts, so I cannot talk about the case anymore…”), hindi natuloy ang “Presscon Express” noong Linggo, sa Paparazzi.

But, as we were about to leave the studio, at past 6pm, we were stopped by the show’s floor director (Direk Elmer) and Ms. Cristy Fermin herself, on instruction na itutuloy ang presscon segment ng show, to be aired next Sunday, December 5.

So, kahit pareho ang suot nina Pops (black and green dress, with blue stilleto),  Dolly Ann (in a peach mini-dress, with layered skirts) at Cristy Fermin (black suit, with printed top designed by Paul Cabral), itinuloy pa rin ang taped segment.

Kaya hindi nakalusot si Ms. Pops Fernandez na mapasalang sa “hot seat” ng TV5’s Paparazzi “Presscon Express”!

Ang mga kasagutan ni Pops sa mga isyung inilatag sa kanya, sa sunod na isyu. William R. Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply