Deployment ban sa Korea pinaiiral

Ipinatigil na ng Malakanyang ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Korean Peninsula bunga na rin ng tensyon sa pagitan ng North at South Korean government.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang pagpapairal ng deployment ban ay desisyon ng government team kabilang ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pa na inatasan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na patuloy na i-assess ang sitwasyon sa Korea.

Dagdag ni Valte, nasa 46,000 ang bilang ng mga Pilipino sa Korean Peninsula kasama na rito ang mga undocumented.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply