DFA tiniyak na ayos ang 19 na tripulante

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa maayos na kalagayan ang 19 na pinalayang tripulanteng Pilipino matapos ma-hijack ng Somali pirates ang isang South Korea-operated supertanker.

Ayon sa DFA, sinigurong nasa mabuti ng kalagayan ang mga tripulanteng lulan ng Samho Dream matapos magbigay nang mahigit siyam na milyong dolyar ang mga naturang bihag, bagama’t walang linaw kung sino ang nagbigay ng ransom.

Batay sa impormasyon, umaabot sa $9 hanggang $9.5 milyon ang naibayad  na ransom para maisoli ang barko. Matatandaang pitong buwang nabihag ang 24 na tripulante kabilang  ang mga Pinoy.

Nabatid na ang dahilan sa pagkakabihag ng mga tripulante dahil ang sinasakyang tanker ay mayroong lulang krudo na nagkakahalaga ng $160 milyong noong kasalukuyang naglalayag ito sa bahagi ng Indian Ocean.     Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply