Dingdong, inialay ang trophy kay Marian

SA ginanap na 24th Star Award for TV last Sunday sa Resort World Hotel ay nakatsikahan namin si Dingdong Dantes sa backstage.

Tsika ni Dong, sobrang excited siya sa pagtatambal nila ni Regine Velasquez ng “I Heart U, Pare” at hindi rin niya itinanggi nami-miss na niya si Marian Rivera.

Sa last taping daw ng Endless Love ay nakaramdam siya ng kalungkutan dahil alam niya  na magiging madalang na lang ang pagsasama nila ng sinisinta.

Kaya naman nang tanggapin niya ang trophy bilang pinakamahusay ng actor sa drama sa 24th Star Award for TV, bukod sa mga mahal niya sa buhay ay di niya nakalimutana ialay din ang karangalan kay Marian na sinabi niyang inspirasyon niya sa buhay.

Naging emosyon nga si Dong nang tanggapin ang karangalan Best Drama Actor dahil first time siya nagkamit ng karangalan at ite-treasure niya raw ang natanggap na karangalan.

Samantalang nangako rin si Dingdong na dadalo sila sa nalalapit na kasal nina Regine at Ogie Alcasid, May ibinigay na raw siya sa ikakasal noong nasa Tate sila pero hindi pa raw yun ang regalo nila ni Marian sa dalawa. Pinag-iisipan pa raw nila ni Marian kung ano ang magandang regalo kina Ogie at Regine.

****

Nakaka-touch ang acceptance speech ni Mr. Tony Tuviera nang tanggapin ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award sa 24th Star Award for TV last Sunday.

Bago umakyat ng stage si Mr. Tuviera para tanggapin ang karangalan ay kinantahan muna siya nina Tito,Vic & Joey ng paborito niyang kantang “I Made It Through The Night” ni Barry Manilow.

Naging emosyonal si Boss Tony Tuviera habang kinakantahan siya ng tatlo at lalo siyang natuwa nang tawagin sa stage sina Maricel Soriano at Roderick Paulate na dalawa sa mga anak-anakan niya sa showbiz para maging presentor ng nasabing karangalan.

Isa-isang niyakap ni Mr. T (tawag kay Mr Tony Tuviera) sina TVJ at Maria at Dick pag-akyat niya ng stage.

Simple pero sincere at nagmumula sa puso ang speech ni Mr. T kaya marami ang naluha sa audience. ‘Yun na raw ang pinakamalaki at makahulugang pagkilala sa kanya mula nang magsimula siya sa telebisyon.

Sa mga hindi nakakaalam, 9 years old pa lang nang magsimula siyang magtrabaho at mai-love sa telebisyon.

Nakakaiyak ang mga pinagdaanan hirap ni Mr. T bago natunton ang tagumpay.

Naging production aid siya na kung saan hinihila niya ang mga wire sa studio at napapagalitan pa. Kaya ganoon na lang ang pagmamahal niya sa mga utility at production sa network dahil alam niya ang hirap at pagod na dinadanas ng mga ito.

Masuwerte ang mga nakakuha ng souvenir program ng 24th Star Award for TV dahil doon nakasulat sa article ni Ruben Marasigan ang mga hirap na dinanas ni Mr. T at bago niya naitatag ang show nina Tito Vic at Joey sa telebisyon.

Sigurado kami kapag nabasa ninyo kung paano nagsimula si Mr. T ay iiyak kayo, batong puso na lang ang hindi maaantig sa mga pinagdaanan niya sa buhay bago nakamit ang tagumpay.

Congrats Mr. Tony Tuviera!

****

Pito na lang ang natitira sa mga shining star contestant ng Star Factor ng TV5. na patuloy na naglalaban-laban para makamit ang inaasam-asam na grand prize package na P1M cash, P1M, TV5 management contract, isang 3-bedroom, 2-storey house and lot at ang pagkakataong maging brightest teen star ng TV5.

Dahil pito na lang natira ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga natsuging Star Factor contestant na makabalik sa contest para sumabak at lumaban sa natirang 7 Shining Star na sina Eula Caballero, Christian Samson, Krissha Viaje, Miguel Estenzo, Morisette Amon, Rico dela Paz at Ritz Alzul. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply