Diplomatic protest vs Seoul isasampa

KINALAMPAG ng Malakanyang ang Department of Foreign Affairs (DFA) na agad na maghain ng diplomatic protest at alamin ang buong pangyayari kung bakit hinarang ang 6 na Pinoy na dadalo sana sa semi-annual G-20 summit sa South Korea.

Ayon sa isang opisyal ng Malakanyang, hindi palalampasin ng gobyerno ang ganitong trato sa mga Pinoy dahil isa itong malinaw na pambabastos.

Nauna nang kinastigo ng anim na mga Filipino activists ang umano’y kapabayaan ng gobyerno ng Pilipinas sa kanilang kaso matapos na ipa-deport ng South Korea kagabi.

Sinasabing, hinarang ng mga Korean Immigration officials sina Maria Lorena Macabuag, Joshua Mata, Joseph Purugganan, Jess Santiago, Roger Soluta at Paul Quintos, paglapag ng mga ito sa Incheon International Airport.

Balak sana ng grupo na dumalo sa gagawing kilos protesta kasabay ng ginaganap na semi-annual G-20 summit doon.

Sinabi ni Purugganan, kahit ang pagpapalabas ng diplomatic protest ay walang ginawa ang Department of Foreign Affairs.

“There wasn’t even an expression of concern from the government,” diing pahayag nito.

Iyon nga lamang, labis nilang ipinagtataka kung bakit ganoon ang pagtrato sa kanila gayong binigyan naman sila ng visa ng Korean Embassy dito sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, humihingi rin ng paliwanag ang grupo sa South Korean government kaugnay sa paglalagay sa kanila sa “black list” ng nabanggit na bansa. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply