DoH mahigpit na binabantayan ang ilang lugar sa bansa dahil sa dengue

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang Zamboanga City, General Santos City, Calamba at Sta. Rosa sa Laguna at Pasig City dahil sa mga naitatalang kaso ng dengue.

Ayon kay DOH Chief Epidemiologist Dr. Eric Tayag, kahit tapos na ang tag-ulan, maaari pa ring may magkasakit ng dengue dahil hindi na itinuturing na seasonal ang naturang sakit.

Dagdag pa ni Tayag, isa o dalawang buwan matapos umulan, dumarami ang lamok na maaaring may taglay na dengue virus.

Dahil dito, mahigpit na pinagtutuunan ngayon ng DOH ang pagbalangkas sa mga panuntunan sa paggagamot ng dengue upang hindi na maging magastos para sa mga pasyente.

Inihayag ni Tayag na tinitipon na ng DOH ang mga ekspertong doktor sa Pilipinas para sa proyektong ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply