DoH nagpalabas ng bird flu advisory

NAGPALABAS ang Department of Health ng Bird flu advisory upang maiwasang kumalat ang naturang sakit at mabigyang impormasyon ang mga Pinoy.

Maituturing na isang contagious disease ang Bird flu o Avian Influenza na nagsisimula sa isang ordinaryong pagsakit lang ng katawan hanggang maging ganap na seryosong sakit.

Naisasalin ang naturang sakit sa pamamagitan ng hininga, mga discharge na kontaminado ng naturang sakit, o nakukuha sa mga may sakit na manok.

Lagnat, pagsakit ng mga muscle, ubo, pagsakit ng lalamunan, sore eyes o diarrhea, habang hirap sa paghinga ang nararamdaman ng taong mayroon nito.

Pareho lamang ang paggagamot sa naturang sakit ng influenza virus. Maaaring bigyan ang pasyente ng antiviral drugs tulad ng Oseltamivir..

Maaaring maiwasan ang naturang sakit sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng mabuti ng kamay bago at matapos maglinis ng manok, lutuin nang maigi ang mga manok na kakainin,  huwag pagsamahin sa isang kulungan ang mga manok, pato, at baboy , huwag masyadong lumapit o hulihin ang mga ligaw na ibon, huwag hawakan ang patay na ibon,  gumamit ng facial masks, goggles, at gloves o plastic material para sa kamay. Isangguni kaagad sa veterinary office kung mayroon mang kakaibang napapansin o sakit ang mga alagang manok at ibon.

Ireport kaagad sa mga health center kung may mga nararamdamang sakit patungkol sa baga lalo na’t kung nakahawak ng mga may sakit na manok o ibon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply