Dolphy, dapat maging national artist—Villar

ISA SI Sen. Manny Villar sa labis na natuwa sa iginawad na parangal ng Malacanang sa kaibigan niyang si Dolphy. Ibinigay ng palasyo ang Grand Collar of the Order of the Golden Heart bilang pagkilala sa kontribusyon sa sining ng ace comedian.

Gayunman, umaasa si Sen. Villar na eventually ay hihirangin din ang King of Comedy bilang National Artist ng bansa. Isa si Villar sa masugid na nagsusulong noon pa man, na kilalanin ang kontribusyon ng ace comedian sa larangan ng sining sa pamamagitan ng paggawad ng pinakamataas na parangal dito bilang national artist.

Patunay ito ng tunay na pagkakaibigang nabuo sa kanila noong panahon ng kampanya na isa si Mang Pidol sa masugid na nag-endorso at umalalay kay Villar.

Samantala, tulad ng kanyang ipinangako, ipinagpatuloy ni Senador Manny Villar ang pagtulong sa mga nagigipit na overseas Filipino workers (OFWs) matapos makapagpauwi ng 21 migranteng manggagawa mula sa Malaysia, kasama ang limang bata. Halos lahat ng mga OFW ay biktima ng illegal recruitment, habang ang ilan ay inengganyong  magtungo sa Malaysia bilang turista at pinangakuan na tutulungang makahanap ng trabaho.

Mistulang tumanggap ng maagang Pamasko na walang pagsidlan ng kasiyahan ang mga OFW nang salubungin sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ng mga tauhan ng Sagip OFW program ni Villar nitong umaga ng Biyernes. Naging emosyonal din ang pagsasalo-salo sa almusal ng mga OFW at kanilang kamag-anak sa isang restaurant sa Macapagal Boulevard na nakasama na nila ang senador.

“Gaya po ng sinabi natin dati, hindi man tayo palarin na pamunuan ang bansa, hindi po tayo hihinto sa pagtulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong,” patungkol ni Villar sa kanyang naging pahayag matapos lumabas ang resulta ng May 2010 presidential elections.

Ayon kay Villar, kahit hindi naging pabor sa kanya ang resulta ng nakaraang halalan, ipinagpatuloy niya ang Sagip OFW program dahil patuloy din ang dating ng mga tawag, email, at text ng mga OFW at kanilang mga kamag-anak na humihingi ng tulong.

“Patuloy po ang Sagip OFW sa pagtanggap ng tawag at pag-aalay ng serbisyo kasama ang ibang ahensya ng ating pamahalaan para mapabilis ang pag-uwi ng mga OFW na matagal nang naghihintay na makauwi ng bansa,” idinagdag ng senador.

Sinabi ni Villar na nananatili ang malaking problemang kinakaharap ng mga Filipinong nangingibang-bayan sa pag-asam na mabibigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya na maiiwan sa Pilipinas.

Umaasa si Villar na sa maliit na paraan ng kanyang programa ay makatutulong siya sa gobyerno na nagsisikap na mapauwi at makapagkaloob ng suporta sa mga nagigipit na OFWs.

“Lahat tayo magtulong-tulong para sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa na nangangailangan ng tulong.  Ang pag-iwan sa pamilya ay napakalaking sakripisyo sa mga kababayan natin na nag-aabroad, kaya tulungan natin sila kapag gusto na nilang umuwi,” pagdiin ng senador.

Bukod sa pagpapauwi ng mga nagipit na OFW, kamakailan ay inilunsad ni Villar katuwang ang Blas F. Ople Policy Center ang “Skills-Up” program, na nagkakaloob ng vocational skills scholarship sa mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment. Layunin nitong mabigyan ng dagdag na kaalaman sa hanapbuhay ang mga makikinabang sa programa tulad ng kursong hotel housekeeping at barista na katuwang nila ang Asian School of Hospitality Arts.

HINDI DAPAT MAG-ABSENT SI JOSE SA SUGOD BARANGAY

Iba talaga ang dating ng Sugod Bahay Gang ng Eat Bulaga kapag naroon si Jose Manalo. May instance kasi na nagkasakit ng dalawang beses yata si Jose dahil sa migraine, kaya hindi siya nakapasok sa naturang portion. At dahil nga absent si Jose, tila naging pilay ang tandem nila ni Wally Bayola.

Pati nga ang bunso kong tsikiting ay napansin na parang hindi raw masyadong masaya ang Sugod Bahay noong time na wala si Jose. Mas lively kasi kapag kumpleto ang tandem nina Jose at Wally, nakakadagdag na lang si Paolo Ballesteros para mas maging masaya ang portion nila. Pero kapag wala si Jose, parang nangangapa sina Wally at Paolo.

Tulad noong last Wednesday na absent ulit si Jose at pumalit sa kanya temporarily si Anjo Yllana, obvious na nangangapa pati ang actor/politician. Although maaaring isa rin sa dahilan nito ay dahil first time pa lang naisalang dito ni Anjo.

Isa pang nakakasira sa pag-eenjoy ng mga manonood sa unscripted na katatawanan na hatid ng Sugod Bahay, Juan for All, All for Juan ay kapag nagloloko ang audio nila at hindi sila magkarinigan. Minsan naman, may delay ng ilang seconds, eh sa comedy pa naman ay napakahalaga ng timing. So, sana ay maayos ito ng pamunuan ng EB.

Sana rin ay alalayan ni Jose ang kanyang migraine para hindi na siya nag-aabsent sa Sugod Bahay.

Sa galing nina Jose at Wally at sa exposure na nakukuha nila direkta sa masa o publiko via Sugod Bahay portion ng EB, hindi ako magtataka kung very soon ay magbida ulit sila tulad ng pelikula nilang Scaregiver dati. Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply