Donaire may bagong sandata

MAY bago na naman umanong sandata si Pinoy world champ Nonito Donaire sa kanyang pakikipagsagupa kay former titlist Wladimir Sidorenko sa Honda Center sa Anaheim, California.

Ang laban ni Donaire ay undercard sa Julio Cesar Chavez Jr. Alfonso Gomez na marami ring fans ang nag-aabang.

Ayon kay Donaire, marami siyang taktika na hindi pa nakikita ng iba at gagamitin niya ito laban kay Sidorenko.

Sinabi niya na atat na rin siyang makaharap si bantamweight champion Fernando Montiel na may laban din ngayong taon sa Las Vegas.

Gumagamit umano si Donaire ng kakaibang elemento ng pakikipag-sparring.

“So far we have sparring guys coming in already. I have my trainer here and so far, so good. Sparring to me is important. It is one of the important things in training. It’s what is going to get me in better shape. You’re simulating who you are fighting and pretty much just trying to get in good shape,” ayon kay Donaire.

Nagsasanay siya ngayon sa Undisputed Boxing Gym sa San Carlos, California at isang buwan pa ang kanyang bubunuin bago ang aktuwal na pakikipagtuos sa Ukrainian na si Sidorenko.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply