Door-to-door employee, natangayan ng P200K

TINATAYANG 40 lapad o P200,000 cash ang natangay sa isang  door to door employee nang holdapin ng dalawang kalalakihan, sa Malate, Maynila.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Theft and Robbery Section (TRS) ang biktimang si Ronald Tiu, may-asawa, ng 124 Lawa Obando, Bulacan.

Sa ulat ni PO2 Dexter dela Cruz, dakong alas-9:30 ng umaga, nang naganap ang insidente sa harapan ng Bahay Bulilit Day Care Center, sa kanto ng Quirino Ave., at Leveriza st., Malate, Manila.

Isinalarawan ang mga suspek na isa ay nasa pagitan ng 25 hanggag 32 ang edad, 5’6 hanggang 5’8 ang taas, maiksi at tayuan ang buhok; habang ang isa ay may edad sa pagitan ng 25-32 anyos, 5.5 hanggang 5’6 ang taas, bilog ang mukha at armado ng calibre .45 na pawang nagsitakas matapos ang insidente.

Ayon kay Tiu, idineliver nito ang dalawang lapad sa isang Julius Villacastin Rojo, 30, ng 20 A Tuschia st., Dona Manuela Subd., Las Pinas City.

Dagdag ni Tiu, kadalasan ay sa mismong bahay ng kanilang kliyente dinadala ang pera subalit tinawagan siya ni Villacastin na magkita na lang sila sa lugar upang doon i-abot ang pera.

Papaalis na sana matapos maibigay ang pera ni Villacastin nang lapitan siya ng mga suspek, tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap.

Walang nagawa ang biktima kundi ibigay na lang ang pera na nasa bulsa na tinatayang 40 lapad o may katumbas na P200,000.

Nabatid na ang nasabing mga pera ay ide-deliver pa sana nito sa kanilang mga kliyente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply