Dota, Cross Fire, iba pang violent games lagot kay Miriam

TIYAK na matatapos ang maliligayang araw ng mga kabataang nagbababad sa mga computer shop para maglaro. Ito ay kapag naisa-batas na ang panukalang inihain ni Sen. Miriam Defensor Santiago na nagbabawal sa mga menor de edad na maglaro ng bayolenteng video games.

Pag naging batas ang Senate Bill No. 2241 ni Santiago, makukulong ng hanggang isang taon at/o pagmumultahin ng hanggang P100,000 ang sinumang mapapatunayan na nagbenta o nagparenta ng bayolenteng video games sa mga kabataan.

Ang mga laro tulad ng Dota (Defense of the Ancients) at Cross Fire ang nais ipagbawal ni Santiago.

Ito kasi ang klase ng video games na siksik sa madudugong patayan, bugbugan, at sakitan na umaabot sa pagpuputulan ng mga bahagi ng katawan. Meron ding mga tauhan sa mga larong ito na may mga criminal sexual conduct.

Ayon kay Santiago, lumalabas sa mga pag-aaral ng mga eksperto na ang ganitong video games ay nakapagpapabagal ng frontal lobes ng utak na tinatatawag na cerebral cortex. Ang cerebral cortex ang responsable sa pagkontrol ng emosyon ng isang tao.

Aniya, lumilitaw sa mga pag-aaral na ang mga bata na naglalaro ng bayolenteng video games ay posibleng pumangit ang asal at maging bayolente rin.

Bagamat mayroong warning sa labels ng video games kung alin ang hindi pwedeng pambata, hindi pa rin mapigilan ang pagbebenta o pagpaparenta ng mga larong ito, ayon sa senadora.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply