Dragons binayo ng Slammers

NAKAAHON ang Chang-Thailand Slammer sa nilasap na dalawang talo sa AirAsia Asean Basketball League regular season kasunod ng pag-ungos sa Kuala Lumpur Dragons sa Nimibutr National Stadium.

Nagwagi ang Slammers sa iskor na 76-74 sa three points shot ng bagong import na si Devon Joshua Sullivan na naghatid sa 57-42 abante sa 3rd quarter. Nagtuloy-tuloy ang bakbakan hanggang sa makatabla ang Dragons sa huling 55 segundo sa 74-all sa pagsisikap nina Pinoy recruit Rudy Lingganay, American import Alex Hartman at Guga Batumalai.

Nabawi ng Slammers ang abante nang maisalpak ng ex-Patriots import Jason Dixon ang dalawang free throws mula sa foul ni Nakiea Miller may 18 segundo sa buzzer time.

Sasabak ang nangungunang Philippine Patriots laban sa Singapore Slingers sa Linggo sa Singapore Indor Stadium. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply