Drayber binaril ng lasing, patay

NASAWI habang ginagamot sa MV Santiago Hospital ang isang drayber makaraang barilin nang malapitan ng isang lalaking lasing kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bagtas, Tanza sa lalawigan ng Cavite.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite provincial police director Senior Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay kinilalang si Adrian Manuel, 30, may-asawa, at residente ng Phase 3, Carissa Homes.

Mabilis na nakatakas ang suspek na si Rashel Enriquez, alyas Eseng, may-asawa at walang hanap-buhay.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Darwin Jaime, dakong 11:40 ng hatinggabi, habang ang biktima ay naglalakad kasama ang kaibigan nitong nakilalang si Rames Andales, 22, ay nilapitan sila ng suspek na lasing at armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Malapitang binaril ang biktima sa katawan bago mabilis na tumakas sakay ng Yamaha Mio na kulay itim na hindi nakuha ang numero ng plaka.

Pinaniniwalaang may alitan ang biktima at suspek at nang makakita ng pagkakataon ang suspek na makaganti ay kanya itong inabangan saka pinatay. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply