Drayber ni Sen. Panfilo Lacson ikinulong

MATAPOS madakip ipinag-utos ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na ikulong sa Quezon City Jail(QCJ) ang dating driver ng puganteng mambabatas na si Senator Panfilo Lacson.

Ito ay makaraang ipalabas ni QC RTC Branch 103 Judge Jaime Salazar Jr.ang nasabing kautusan matapos mahuli ang suspek na si Reynaldo Oximoso sa Bataan.

“We hereby commit to you the living person of Reynaldo Oximoso charged before this court of multiple murder pending resolution of his cases subject to the orders of this court,”utos ni Judge Salazar sa pamunuan ng QCJ.

Agad namang dinala sa QCJ si Oximoso pagkalabas ng commitment order na inisyu ng korte.

Naaresto si Oximoso sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Bataan PNP at military bago magtanghali ng
Nobyembre 1 sa Brgy. Binukawan, Bagac, Bataan. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply