Driver dadalaw sa may sakit na anak, itinumba

NAMATAY ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng isa sa tatlong lalaki habang naglalakad para dalawin ang may sakit na anak na nasa ospital, sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Raymond Samodio, 22, ng Hillside, Ugong, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga suspek na nakilala lang sa mga alyas na Utok, Joson at Gernet.

Batay sa ulat, dakong alas-onse ng tanghali, hindi pa nakakalayo sa kanilang bahay ang biktima upang pumunta sa ospital dahil sa may sakit na anak nang sumulpot ang mga suspek at isa sa mga ito ay sunod-sunod na bumaril kay Samodio.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng nasabing insidente. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply