Droga gatasan ng mga pulis sa Cavite

MARIING  nanawagan ang mga residente ng Cavite sa tanggapan ni Region 4A Police Director Chief Supt. Samuel Pagdilao ukol sa umano’y sabwatan ng kapulisan sa Cavite at mga drug pusher sa lalawigan.

Batay sa impormasyon na nakalap,  isang kagawad ng pulisya ang  nagbulgar ng mga kalokohan ng mga PNP opisyal sa loob mismo ng Camp Pantaleon Garcia, Imus, Cavite kung saan dito nag-oopisina ang Provincial Director na si Senior Supt. Danilo Maligalig.

Ayon sa pahayag ng isang sarhento na hindi nagpabanggit ng pangalan, hindi na niya masikmura ang ginagawang pamemera lamang ng mga tauhan ng Cavite SOG, OPD maging ang ilang mga tauhan ng Bacoor PNP, Imus PNP at  Intelligence Group ng Cavite PPO S2.

Sinasabi pa nito, ang isinasagawang operasyon ng mga naturang grupo hinggil sa panghuhuli sa ilang mga drug pusher kung saan hindi naman tinutuluyang kasuhan o ikulong ang mga suspek, bagkus pine-peraharan lamang ang mga salarin na ‘di bababa sa halagang 50 libong piso kada isang tao na nahuhulihan ng droga.

Nabatid pa na hindi na rin nakikipag-ugnayan sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mga awtoridad maging sa mga barangay level at hindi na rin nakikipagtulungan upang hindi sila mabuko sa mga kalokohan.

Kasabay nito, ang kahilingan ng mga naninirahan sa lalawigan ng Cavite na magkaroon ng imbestigasyon sa mga ahensiya ng Cavite PPO sa mga ‘di mga nabanggit na departamento. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply