DSWD magpapadala ng portable toilets sa Bulusan

MAGPAPADALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga portable toilets sa mga naapektuhan ng nag-aalburotong Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ito ay bunsod sa marami na ang umaangal sa evacuation center sa Irosin dahil sa iilang palikuran lang ang kanilang nagagamit at kung mayroon man, napakadumi pa.

Ayon kay Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman, aabot na sa P400,000 ng food at non-food packs ang kanilang naibibigay sa limang evacuation center sa Sorsogon.

Bukod dito, nagpadala na rin aniya sila ng mga kumot at banig para sa mga evacuee.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply