Dukot, martilyo, bundol gangs at pamamaslang

SAAN kaya tayo titira para hindi tayo laging nanganganib sa kamay ng mga kriminal at sobrang tapang na pulitiko?

Ito ang isang mahalagang tanong ng mga nagnanais na mabuhay nang mapayapa. At ang nais lang nilang gawin ay isubsob ang sarili sa pagtatrabaho, paglikha ng trabaho at tumulong sa pamahalaan para sa paglago ng pambansang ekonomiya.

oOo

Nagtatanong sila, mga Bro, dahil kahit saan ay naglipana ang mga kawatan at mamamatay-tao.

Tingnan ninyo.

Walang Pacman-Pacman sa mga sutil na kawatan. May mga nawalan ng motorsiklo noong mga oras na nakikipagsuntukan si Pacman kay Antonio Margarito. Isang halimbawa rito ang nasa blotter ng Bambang Police Station na dalawang Yamaha sniper motorcycles ang basta na lang nawala sa kamay ng mga may-ari.

Umatake naman ang martilyo gang kinahapunan, bumili sila ng martilyo sa hardware ng SM Taguig City at ginamit ang mga ito sa pagbasag sa mga salamin ng alahas na kanilang dinekwat. Nambato pa ang mga ito ng granada.

Bago ang laban ni Pacman, sunod-sunod naman ang mga bundol gang na bumibiktima sa mga nanggagaling sa mga paliparan ng bansa para lang nakawan at karnapan ang mga ito.

Sunod-sunod naman ang paggawa ng mga kawatan at kidnaper ng kanilang hanapbuhay.

Nang magkaroon ng maraming stranded sa mga lansangan dahil sa problema ng mga bus sa number coding, nakupo, ang dami ng nawalan ng wallet, cellphone, relo, etc. Sumingit ang mga tarantadong mandurukot at manlalaslas ng bulsa at bag sa kahirapan ng tao na sumakay at pumasok sa trabaho. Pinakahuling dinukot naman ng mga kidnaper for ransom ang dalawang titser at isang negosyante sa Mindanao.

oOo

Ngayon naman, makaraang pagpapaslangin ang  ilang kapitan na nanalo, natalo o nakaupo kaugnay ng nakaraang halalang pambarangay at pangkabataan, tila isusunod naman yata ang mga mayor.

Tingnan ninyo, mga Bro, binaril si Tuguegarao City Mayor Delfin Ting. Masuwerte si meyor at ilong lang niya ang natamaan.

Saan nga pala pupuwedeng tumira sa ganitong kalagayan?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply