Dy rumesbak kay Calixto

MALAKI ang tiwala ng mga abogado ni dating Pasay City Rep. Consuelo Dy na bibigyan ng prayoridad ng Commission on Election (Comelec) ang pagbibilang ng mga balota kaugnay sa inihain nilang protesta laban kay Mayor Antonino Calixto.

Ayon kay Atty. Santiago Quial, abogado ni Dy, binibigyan ng prayoridad ng komisyon ang pagbibilang sa mga inihaing protesta na may maliit lamang na kalamangan ang idineklarang nanalo kaya’t nakatitiyak aniya sila na isa na ang lungsod ng Pasay sa nakatakdang mapasimulan kaagad ang recount.

Noong araw ng Sabado ay natapos na ang pagse-selyo sa may 370 ballot boxes sa Pasay City Sports Complex kaya’t posibleng sa lalung madaling panahon ay mapasimulan na ng second division ng Comelec ang muling pagbibilang ng mga boto sa oras na madala na rito ang mga ballot box.   Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply