Dyipni, trike nawala; Floyd Mayweather Sr. at Jr. nasaan naman?

KUNG nagbiyahe ka sa oras ng laban nina Kong. Manny Pacquiao at Antonio Margarito, suwerti ka kung naging maayos ang iyong biyahe.

Wataymen, suwerti ka kung naging tuloy-tuloy ang iyong biyahe.

At hindi ka tinamaan ng cutting trip o pinagpasapasahan o ipinag-tatransper ng mga dyipni o traysikel.

Yung iba, minalas dahil tila dinaanan ng Biyernes Santo ang kanilang mga lansangan.

Marami kasing mga dyipni, taxi, traysikel at iba pa ang iginarahe sa oras ng laban, lalo na sa mga lugar na may libreng layb show ng mga kapitan, mayor at kongresman.

Ang daming lugar na ganyan sa oras ng laban.

oOo

Ang sabi ng mga parak, pispul at walang krimen ang oras ng laban.

Maaaring totoo.

Pero habang tinitipa natin ito, minuto lang bago ang laban nina Pacman at Margarito, humahangos na nagsumbong sa atin ang isa nating kaibigan na kinarnapan  ng motorsiklong Yamaha Sniper.

Pag-aari umano yung motorsiklo ng Exogain Corp.

Ini-park niya sandali sa may kanto ng Quiricada at Felix Huertas sa Sta. Cruz, Manila ang motorsiklo at pumasok sa kanilang bahay pero pagbalik niya nawala na iyon.

Ini-report na nila ang karnaping sa pulisya, sa Manila Police anti-carnapping unit.

Malalaman natin sa mga susunod na araw kung umaksyon ang mga pulis ng Bambang Station o hindi o ng anti-carnapping unit ng Manila Police Department.

Marami naman kasing mga parak ang tinamad na maghabol ng mga kriminal o magpatrulya sa oras ng laban.

Sumbong sa atin, basta iblinater lang mga pulis ang karnaping at parang walang sigla ang mga ito na mag-alarma man lang.

Sana, hindi totoo ito dahil ayaw ni PNP Deputy Director General yang papatay-patay na ganyan.

oOo

Kongrats kay Pacman sa pagpulbos nito kay Margarito.

Nasaan kaya itong si Floyd Mayweather at yung madada na tatay niya, huh?

Takot lang nila! Hi-hi-hi!

Ang balita nga, yang manuntok yata ng gelpren ang pinagkaabalahan ni Floyd Jr. at nakademanda siya ngayon.

Sa ipinakita ni Pacman na laban, beri kumbinsing ang sinasabi niyang magre-retiro na lang siya kung pagod o nagsawa na siya.

Hanggang saan ang maaabot niyang tagumpay?

Para sa atin, nandun na siya sa rurok.

Wala pang katulad niya ang nakakolekta ng walong sinturon sa tsampiyonsip sa kasaysayan ng boksing.

Siya lang at wala nang iba pa ang nakagawa nito.

Imadyin, sa huli ay hindi na pupuwede sa kanya ang mga pandak.

Puro malalaki na ang kanyang mga nakalaban at nagkatotoo sa kanyang buhay ang laban ni David kay Goliath.

Hindi niya man napatumba ang mga malalaki, pinag-pupulbos naman niya ang mga ito.

oOo

Nga pala, nang magpa-blotter ang nakarnapan ng motorsiklo, may nadatnan din silang nakarnapan ng motorsiklo rin.

Sniper din umano na motorsiklo ang kinarnap sa sakop ng MPD station sa Bambang.

Naglipana yata ng mga karnaper sa Bambang a.

MPD chief Roberto Ron-gavilla, pakisilip nga ito.

Mang Berto, baka naman kapabayaan na ng mga pulis sa Bambang ito.

Subaybayan. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply